Kahit Anu!

si "kahit Anu" ang blog na tungkol sau, sakin, sa nanay mo at sa lahat ng makikita mo sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng araw! 1 blog na kapag binasa mo ay garantisadong mawawalan ng saysay ang araw mo! tinatawag ko xang si KA! lahat ng nakasulat d2 ay makikita nyu rin sa blog account ko sa myspace, di kailangan ng magkaibang version! ang blog na tumatalakay sa mga posibleng mngyari araw2, sayo. sakin. sa alaga mong hayop. sayo ulit. at sa ating lahat!

 

Monday, January 23, 2006

ang HABA!! pero aus na din!

aus taLagang maging manunulat! pakiramdam ko masaya taLaga un! kaya gustong-gusto kong maging isa sa kanila. masarap kayang magkaroon ng sariling librong ako ang gumawa? hindi pwedeng piratahin tulad ng mga CD. masaya nga talaga!

hinuhunting ko ang mga libro ni bobo ong!
simula sa unang libro hanggang sa ika-lima! hindi ko lang sila nabili according sa pagkakasunod-sunod ng release.heheh

pinaka-una at pinaka gusto kong libro ni Bob Ong na nabasa ko ay ang "Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pili[pino?" na hiniram ko pa sa isang mabuting kaibigan. maganda. maayos ang pagkakagawa.nakakatawa. totoo ang nilalaman. ang librong ito ay patungkol sa mga kahinaan ng mga pilipino. kasama ka!!!! at xempre ako!! bilang isang pilipino, naapektuhan ako sa mga sinabi ni Bob Ong sa Librong ito. pero walang dahilan para maging bulag ako para wag nang mabasa ang iba pang naka-sulat. hindi rin un naging dahilan para ayawan ko na xa at wag nang bumili ng iba pa nyang libro. sa totoo lang, lalo kong nagustuhan si BO dahil sa mga sinulat nya. kasi d2 sa librong ito sinulat talaga nya ang totoong kabobohan ng mga pilipino. magaling. humanga ako sa katapangan niya at xempre sa mga prinsipyo ni BO sa buhay na naging dahilan para makuha ang respeto ko at ng matinding pagnanasang mabili pa ang iba nyang libro na siguradong may matututunan ako, kung wala man, siguradong malilibang ako. (pero sabi nya sa isang libro hindi daw katapangan ang ginawa nya kundi kabobohan.)


ang ikalawang libro na binasa ko, pero sa pagkakataong ito, sariling kopya na ng libro ang binabasa ko, ay ang "Ang Paboritong Libro ni Hudas". katulad ng dati. maganda. aus ang pagkakagawa. nakakatawa. at ABA!!! meron na xang
<'>PATAY NA AKO?!
<.__.> ilang beses mu bang gustong marinig yang blah blah blah yada yada yada.
wow!!! meron na xang mga nag-uusap na character! hahah!! Lupit. dito nmn sa librong ito pinakita ni BO ang kasamaan ng mga tao. kasama ka!! at xempre ako!!
bilang isang tao, naapektuhan ako sa mga sinabi nya! at napasabi ng "aba, ang galing ah!". bumili na nga rin pala ako ng extra copy ng librong toh ni BO. marami kasing nanghihiram eh.,.tsaka gusto kong ikalat ung mensahe ni BO. ayaw kong ipahiram ung copy ko! kasi baka masira, mawala, masunog,anayin at kung anu pang posibleng mangyari!
kasabay ng pagbili ko ng librong toh ang karumal-dumal kong pang-uuto sa bunso kong kapatid para ibili nya ako ng sarili kong kopya ng "bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" APRUB!! panalo ako. ngunit isang buwan,matapos kong matapos ang libro, hiniram ito sakin ng tita ko. OK, pinahiram ko para,xempre, maikalat ang mensahe ni BO. pero dinala nya ito sa malayong lugar at bumalik kasama ang "ay! naiwan ko sa Blah Blah Blah." PAKSHET! bakit nmn ganun? masamang experience para sakin! nakaka-iyak! heheh.,. kasalukuyang nasa malayung lugar ang libro ko. kung hindi man ito bumalik sakin, sana nmn may isang pilipino na makakuha nito at basahin o di kaya nmn ipahiram sa mga kaibigan para magpatuloy ang daloy ng mensahe. wag sanang masayang ang librong yon.

ng mga panahong yun, may part ng "paboritong Libro ni Hudas" na hindi ako maxadong makarelate sa kadahilanang hindi ko pa nababasa ang una at isa sa pinaka magandang libro para sa mga estudyanteng tulad natin, ang "ABNKKBSNPLAko"
kelangan ko itong mabili at mabasa.


"ABNKKBSNPLAko"
ayan ang unang libro ni BO na pangatlong Libro,nya, na nabili ko. magulo ba?

hindi "A-B-N-K-K-B-S-N-P-L-A-ko" ang basa jan. hindi rin
"ey-bi-en-key-key-es-en-pi-el-key-ko". alam nyu na ba kung anu? kung "aba nakakabasa na pala ako" ang basa nyu jan, tama kau!
napaka-gandang libro para sa mga estudyanteng tulad mo. tulad ko. tulad nating lahat. kung hindi estudyante ang tingin mu sa sarili mu, HIBANG KA!!!! dahil lahat tau ay mga estudyante na nagpaparami pa ng mga kaalaman. kahit pa sabihin mung college graduate ka na o di kaya, masteral sa kung anumang subject o out of school youth ka! estudyante ka pa rin ng bagay na kung tawagin ay "buhay".
tulad ng iba nyang mga libro na nabasa ko. malupit ang unang libro ni BO. sana lang dati ko pa tong nabasa, kahit sana nung 4th yr HS ako. sayang. dito sa librong ito, dito ako nakarelate ng sobra. bilang isang estudyante, naiintindihan ko ang mga pinagdaanan ni BO at nagsilbi itong inspirasyon sakin upang pagbutihin ang pag-aaral, pero parang new year's resolution lang din ang naging resulta ng balak kong pagbabago sa sarili. kasalanan ko. nasayang lang sakin ang mensahe ni BO.
pero hindi nmn taLaga tungkol lang sa eskwelahan ang mensahe ng nasabing libro. dahil tinuruan din ako nito na hindi lang tayo sa eskwelahan matututo. eto ang linya (pasenxa na kuya BO pero nararamdaman ko lang na kelangan ko talaga itong ilagay. lalagyan ko nlng ng "-bob ong" sa huli para hindi plagiarism! thanks man, youre the best!!!)

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamhal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan."
-Roberto "Bob" Ong
ABNKKBSNPLAko


isang dakilang pananaw sa buhay ng taong iniidolo ko. i Love you bob ong! muah! hahahah!! (di ako bakla ha)
Ayan! nagustuhan nyu ba? (sigurado). marami pa akong gustong ilagay pero baka hindi na kau bumili ng libro pag nilagay ko pa ung iba!

-ang pang huling libro na bunili ko kahapon lang ay pinamagatang "Stainless Longganisa"
isang dakilang libro na naman. kinuwento dito ni BO ang mga istorya sa likod ng mga istorya sa mga libro nya. ito ring librong toh, ito ang lalong nagpatindi ng kagustuhan kong maging isang manunulat, pero hindi ko na kailangang isa-libro pa ang mga ito. dahil sa tingin ko, at alam ko, na wala pa akong kakayahan at experience. kaya pansamantalang dito muna ako sa blog ko magsusulat ng mga kwento at pananaw sa buhay. dito, kung saan ako ang writer at ako rin ang editor. tanging kaung mga mambabasa ko ang mga pulisher ko. :) kung nagustuhan nyu man ang mga sinusulat ko. maaari nyo itong i-print.
sana pagdating ng tamang panahon ay makagawa ako ng sarili kong libro na magbibigay ng libang o ng matutunan para sa lahat. pero ang pagkaka-alam ko eh ngaun na ung tamang pagkakataon na un eh, di ko na kailangang maghintay ng sampung taon o higit pa! basta...... ewan!

kapag nararamdaman kong gusto kong maka-usap ang idol kong si Bob, nilalapitan ko lang ang mga libro nya. dahil sa ganoong paraan ay para narin kaming nag-uusap. nasasagot ang mga tanong ko at ang iba pang tanong na hindi ko naisip itanong sa kanya. pero ang iba hindi,kaya nga gusto ko xang makita. pakiramdam ko ngaun eh kakilala ko na talaga si BO, pero sa kabila nun, alam kong hindi pa! sana sa bagong libro pa nito na ilalabas, sana magpakilala pa xa sakin, at sa inyo rin!


kung magkakaroon ako ng tsansang makaharao si BO. ANAK NG LANGAW!!!! lalapitan ko na xa at makikipag-malling sa kanya. makikipagkwentuhan ako tungkol sa buhay nya na hindi pa nya nailalagay sa mga libro nya.hindi ako hihingi ng autograph, dahil ang pangyayaring yun ay higit pa sa tinta ng ballpen. hindi ko na kailangan ng pirma para maalala xa!

gusto kong maging isang manunulat, oo nagsusulat ako pero gusto kong maging manunulat, sa parehong paraan na gusto kong maging isang journalist at photographer. mga pangarap sa buhay na hindi imposibleng maabot. nasa akin ang desisyon. sa akin nakasalalay ang magiging resulta ng buhay kong gusto kong baguhin.

kung magkakaroon kau ng pagkakataong makaharap sa isang bookstore ang libro ni BO. wag sana kaung magdalawang isip na bumili nito. xempre simulan nyu sa unang libro. para ayos. gusto nyu pahiram ko sa inyo ung extra copy ko ng "Ang Paboritong Libro ni hudas"? Parang freetaste, pero kung hindi nyu talaga trip, hindi ko kau pipilitin basta ba ibalik mu sakin ang pinahiram ko saung libro. saLamat!

ang mga katangahang ito ay isinulat habang nagbibingi-bingihan sa NSTP! nagsasalita ang mayabang na si "bigote". papuputol daw na ang kanyang b*yag pag nagbago kaming mga estudyante nya. hindi ako naniniwala. parang politoko.







tapos na sana ang entry na toh kung walang tatanga-tangang lalaki na nagsabi sakin ng:

jawo: ibo!! san ka pupunta pagkatapos nito? (NSTP)
ako: huh?! sisimba ako tol.
jawo: kain muna tau!
ako: hindi pwede eh, male-late kasi ako sa simbahan.
jawo: sayang nmn! mag-isa tuloy akong kakain.
EPAL!!!!: wag ka ng sumimba!
ako:...........................
EPAL!!!!: wala nmng mangyayari sa buhay mo eh.
ako: TANGA KA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

di ko alam kung bakit may mga ganung uri ng tao. sobrang maki-alam, wala nmng kakwenta-kwenta ang sasabihin. siguro para sa kanya walang kwenta ang pagsimba nyang hayup xa! pero sakin, isang importanteng bagay toh na makaka-apekto sa takbo ng buhay ko. at isa pa, magka-iba nmn kami ng relihiyon eh. hindi ako katulad ng iba na sumisimba lang tuwing bertdey nila o tuwing pasko at may kailangan sila. hindi ako ganun! kaya siguro ako napikon ng subra! buti sana kung maglalaro lang ako ng DOTA!!-- isang computer game, matatanggap ko pang sabihin nya sakin na :
"WAG KA NG MAGDOTA! WALA NMNG MANGYAYARI SA BUHAY MU JAN EH!!!" baka magpasalamant pa ako sa kanya. nasira tuloy ang araw ko!

natapos ang NSTP. naghiwalay na kami ni jawo. ako, papuntang simbahan. xa, pauwi sa kainan. habang naglalakad papuntang simbahan, napadaan ako sa isang bookstore na may initials na NB. naisipan kong pumasok at kumpletuhin na ang libro ni bob!
"Ang Alamat ng Gubat"
ayan, ayan na lang ang kulang ko. ang sarap ng feeling pag nasa bookstore ka na at bibilhin mu na ung isang bagay na magpapakumpleto ng collection mu.
"sa wakas makukumpleto na!!!" narinig ko pa ata yan sa isipan ko.
hinanap ko ang libro. nakita ko ang section ng mga libro ni BO.
"yeah!!!" nandun lahat.............maliban ang hinahanap kong "alamat ng gubat". HOLY SKWATERS!!!!
pero xempre hindi ako nawalan ng pag-asa! hinanap ko ung in-charge at eto ang naging pag-uusap:

in-charge: yes sir?
john ray wafu: meron pa pu ba kau nung libro ni BO na "Alamat ng Gubat"?
in-charge: uuummmmm.....(parang nang-aaras pang sinabi ang) OUT OF STOCK!!!!
john ray wafu: :(

lumabas ako ng bookstore na dismayado at dumiretso na ako sa simbahan. late na nga ako.

matapos sumimba. umuwi na kaagad ako. malungkot ang mga kalye, konti lang ang tao kesa sa madalas nitong itsura. tahimik. nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa sakayan ko ng jeep. kainis, kelangan kong lakarin ang daan pauwi, mainit pa nmn!
habang nasa CEU, napansin kong KONTI lang ang tao, kaya naisipan kong bilangin kung ilan kami. isa. dalawa. tatlo. apat. lima. anim. pito. kasama na ako! lumingon muna ako sa likod para makasigurado! anak ng!! totoo nga!! pito lang kami, pito lang ang taong naglalakad sa CEU na madalas ay maraming tao kahit Linggo. nakakapag-taka! nung nasa north gate na ako. wala na akong marinig kundi ang tunod na Lang ng sapatos kong tumatama sa sahig. un nlng talga! at ung mga malalanding tawa pala ng tatlong babae dun sa katapat ng school (beda) din pala. tapos napansin ko "bakit nga pala walang jeep?"
biglang sumuntok sa isipan ko:
"AY LABAN NGA PALA NI PACQUIAO NGAUN!!"
kasabay ang side comment na:
"wow....aus ah!!! instant holiday!!"
may nasakyan akongjeep sa dulo ng CEU! nasayang lang pala ang effort na inilaan ko sa paglalakad.

pag-uwi ko, inabot ko pa ang round 9 ng laban ni pacquiao,pipol's champy, wow!!!!!! namamaga na ang muka ni morales... yeah! rock on!
round 10!! tingggggggg!!!
isang mabigat na suntok ang sumalubong sa muka ni morales, na sinundan pa ng tatlo!! pang!! pang! pang! halatang pagod na si morales. sinundan pa ng ilang mabibigat ng suntok at tuluyan narin tumumba si morales!! AYOS!

"woooooooohhhhhh yeah!!!" kasabay ang talunan sa bahay!
sa pagkaka-alam ko eh si manny pacquaio ang unang nagpatumba kay "el terilble", na nangagnahulugan xa ang unang naka-TKO kay el teribleng namamaga ang muka" cool!!!
asteeeeg talaga tong si pacquaio!! biruin mu, dala nya taung lahat na mga pilipino sa bawat suntok nya!! kaya siguro mabibigat ang mga suntok nya!! mabuhay ka pacman!!

tulog........... ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home