Kahit Anu!

si "kahit Anu" ang blog na tungkol sau, sakin, sa nanay mo at sa lahat ng makikita mo sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng araw! 1 blog na kapag binasa mo ay garantisadong mawawalan ng saysay ang araw mo! tinatawag ko xang si KA! lahat ng nakasulat d2 ay makikita nyu rin sa blog account ko sa myspace, di kailangan ng magkaibang version! ang blog na tumatalakay sa mga posibleng mngyari araw2, sayo. sakin. sa alaga mong hayop. sayo ulit. at sa ating lahat!

 

Monday, January 02, 2006

recap of my year 2005!

tapos na ang year 2005! pero anu nga ba ang nangyari sakin nung taong un? eto ang recap ko!!
january
-sinalubong naming nag taong 2005! kumpleto ang pamilya! madaming pagkain! maraming paputok! at marami ring pera! nagbertdey ako!! tinamaan ng pag-ibig!
february
-nagkaroon ng JS prom! nagbigay ako ng regalo sa pinakamamagal kong babae nung valentines day! nabusted 13 days after valentines day! buong buwan akong naging emokid!
march
-nagpatuloy sa panliligaw at wala ring pinahantungan!mejo nagseryoso ng kunwa-kunwarian sa mga prof at subjects ko para sa graduation!
april
-dumating na ang main event of the year! dahil drumaduate na ang pinaka gwapong lalaki sa angkan ng mga ibo at Lorenzo! aus!! bakasyon na!
may
-bakasyon parin!! swimming w/friends!! namiss ng kaunti ang mga kakLase! inaLa2 ang mga kapalpakan at katangahan at katalinuhan sa skuL!!
june
-pasukan na nmn!! nag-enrol sa isang iskwelahan na ayaw kong pasukan! at kumuna ng isang course na ayaw ko nmng kunin!! nag first day funk!!
july
-nalaman ang mapait na katotohanan! tungkol sa pinakamamahal kong babae!! sila na ng kabarkada ko!! ang maLupit nito, nung feb.28 pa!! wooh!! highlight na toh!!!
august
-tinamad sa studies!! tuluyang na-addict sa dota!! umingay at naging masaya sa classroom!! nadiskubre ang mga lihim na tindahan sa recto!
september
-tinuloy ang pagdodota!! lumakas ang mga "kickbacks" ko kay mami!! wala akong maalalal dito sa month na toh!!!
october
-naghanda para sa final exam ng 1st semester! tinodo ang powers sa pangognopya!! aus sembreak na!! nag-enjoy w/friends!
november
-pasukan na nmn!! firstday funk n nmn para sa 2nd sem!! tinalikuran ang friendster at nagbaLik Loob sa myspace!
december
-tinodo uLi ang powers para sa isa pang pangongopya para sa preLim exams!! christmas vacation!! nakita uLi ang rakistang babae matapos ang mahabang panahon!! christmas vacation!! umuwi sa Laguna! nagpasko!! isang maLungkot na pasko!! nagpuyat at sinaLubong ang isa n nmn bagong taon!! kumain at natuLog!!

hindi Lang yan ang nangyari!! nanaLo si pacquiao ng suno2!! at nataLo ng isang beses kay moraLes!! may Laban uLi siLa sa january 22!! tsunami pumatay ng maraming tao!! at marami pang iba!


welcome 2006!! sana magkaibigan tau!

pumasok na ang taong 2006!! eto nmn ang ngyari!
january
-saktong paputok, madaming pagkain! waLang pera ako! at hindi kumpleto ang pamilya!! si gloria kasi eh... pahirap sa pinoy!! peace tau GLO!!


sinaLubong ko ang new year ng mga tugtuging nagpainit sa ulo ng nanay ko!! mga METAL HARDCORE ROCK!! yeah!!

pinaka-una kong tugtugin sa taong 2006 ay ung "reinventing your exit" ng underoath!! sinundan ng "a boy brushed red... living in black and white" ng underoath parin!! tapos buong taon akong babata!! dahil pinatugtug ko din ang "forever young" ng valley of chrome! sinundan ng "art of leeting go" nila!
para akong kiti-kiti habang nakikipagSLAMan sa pader namin!! ini-sLam ko ang hangin! tinajakan ang sahig! isang paraiso at langit para sa isang rakistang tulad ko! ang saya!! tumatalon ako ng bigLang natigil ang kasiyahan nang sinabi ng nanay ko na!

"JOHN RAY, PATAYIN MU NA YAN, NAKAKABINGI"

woo00oooh!!! aun ang masarap na musika sa aking tenga! ang marinig ang naiinis na boses ng nanay ko dahil sa mga tugtuging pinakikinggan ko! aus! kineyjay ako ng nanay ko!

naubus na ang paputok namin! kaya nanuod nmn kami ng ibang magagandang paputok na nagliliparan at sumasayaw sa kalawakan! at sabay2 kaming kumain at nagpiktyueran!! pagkatapos nun!



natulog na ako!!!



zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

0 Comments:

Post a Comment

<< Home