Kahit Anu!

si "kahit Anu" ang blog na tungkol sau, sakin, sa nanay mo at sa lahat ng makikita mo sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng araw! 1 blog na kapag binasa mo ay garantisadong mawawalan ng saysay ang araw mo! tinatawag ko xang si KA! lahat ng nakasulat d2 ay makikita nyu rin sa blog account ko sa myspace, di kailangan ng magkaibang version! ang blog na tumatalakay sa mga posibleng mngyari araw2, sayo. sakin. sa alaga mong hayop. sayo ulit. at sa ating lahat!

 

Wednesday, March 15, 2006

last day of school and Yukiko Haraguchi

ngaun ang huling araw na pagiging freshman ko sa San Sebastian College Recoletos-Manila.
Masaya dahil tapos na ang mga teacher, tapos na silang magpahirap. Meron na kami ngaun na dalawang buwan para magpahinga at magsaya! ayos!

*huling araw ng pagiging freshman
-sarap dahil pahinga na ako.
kaninang umaga, wala akong pakealam. late akong pumasok sa school na naging dahilan para kumuha ako ng special exam sa English!! waheheh.., masarap palang mag-exam ng nag-iisa ka lang! walang kokopyahan, mas masarap naman ung walang nanggugulo sayo!
kaninang umaga, walang ibang nasa isip ko kundi ang mga kaibigan kong nasa laguna na matagal ng nawalay sakin. Ang mga kaibigan ko na lagi kong kasama at palagi akong pinapasaya.
hindi ako nag-aral para sa Finals. as in hindi talaga! kahit magbasa hindi. tinamaan ako ng subrang katamaran! ewan ko ba kung bakit ngaun pang finals. walang ibang nasa isipan ko kundi ang bakasyon at ang gig sa darating na sabado (cguradong masaya!)
pero unti-unting nagbago ang lahat habang natatapos ang araw. buong araw akong masaya sa piling ng mga kaklase ko ngaun (college xempre). todo biruan, todo gaguhan, todo-todong kopyahan! at paggawa ng requirments para makapasa.masaya din akong nakilala ko sila at siguro magiging kulang ang buhay ko kung hindi ko sila nakilala at nakasama.
dumating na ang oras para sa final exam sa NatSci 1:30PM
hindi kami nag-aral (lahat kaming magkakaibigan). tanging sandata ay ang mga stock knowledge na syang nilalaman ng aming mga utak at alaala.

WOW!!! APRUB!! epektibo ang aming mga sandata! nagawa ko pang magpasa ng sagot kay yuki, karate kid, idol, jenry emo at kay jawo!! ayos dba?
masayang nakakainis talaga ang feeling magpakopya. masaya dahil alam mong nakakatulong ka. at nakaka-inis dahil ang kulit ni karate kid!!
TEXT NG TEXT NG TEXT!!

"anu? meron na?"
"anu meron na?
"anu meron pa"
"txtback!!"

anak ng!! kung pabilisan sa text ang usapan! panalo na si karate kid!! wahahah!! amblis magtext eh.,. nagrereply pa lang ako, nakakalimang text na!! iba talaga pag nagpapanic!! tinago nya ung kodiks na pinasa ko sa kanilang lahat tapos hindi nya binubura ung msg ko sa kanya.. ung sagot.. sinend pa nga sakin eh, di ko din binura.. wahahah.. pero aus lang.. pagka tapos ng exam may narinig ako.

"HOTDOG!!" ako yun at hindi ko na kinailangan pang isipin kung sinu ang tumawag sakin. si Yukiko Haraguchi.

ako: oi
Yuki: aalis ka na?
ako: huh? di pa.. bababa lang ako.. bakit?

Yuki: balik ka ha!! may bibigay ako sau.
ako: heheh.. sige! babalik ako. w8 lang ha!
biglang escapo!! at bumaba na ako, mat inasikaso then bumalik na ulit sa taas kung san naghihintay ang aking "sausage", si yuki.

ako: YUKI!!
yuki: oi
ako: nasan na ung bibigay mu sakin? heheh
yuki: hihihi(kilig) nahihiya ako..
ako: ha? hahah!! bakit nmn? anu ba un?
yuki: nakakhiya kasi, baka di mu magustuhan..
ako: kahit anu pa yan!! i will love it!! hahahahah
yuki: oh cge na nga! hihih nahihiya ako.
ako: sige na nga!! pipikit na ako! walang hiyaan na kasi!!

pumikit na ako. an dilim!! naramdaman kong kinuha nya sa cute nyang bag ung gift nya sakin. at ayon!! naramdaman ko na sa aking mga kamay ang square na bagay na bigay sakin ni yuki. pag bukas ko ng mata ko!! isang CD ang bumulaga sa mata at isipan ko! MAHAROT ng kamikazeee
(si yukiko nga pala ay solid fan ng kamikazee at ng dream theater! kaya nagtaka ako kung bakit nya binigay sakin un)
ako: yuki!! thank you ha!!
yuki: hihihi.. hiya ako...

lumayo na xa! at ako naman ang lumapit para mag-interview. makalipas ang ilang tanungan, napag-alaman kong gusto na palang lumipat ng school ng pinaka malapit na babae sakin sa classroom. :( xempre nalungkot ako. wala na akong kakawentuhan na laging tumatawa at minsang bumabara sakin pag nagkataong natuloy ang balak ni yukingkong. nakakalungkot, naka-ilang babay din ata ako bago tuluyang humiwalay kay yuki. Malungkot talaga!

"sana hindi matuloy ang paglipat nya" umiikot sa isipan ko yan. sayang naman kasi ang mga alaalang nabuo at mga samahan namin. unang umalis ang pinaka-malapit na tao sakin sa baste (maliban kay jawo) si EMILE ONA! ang tanging totong rakistang kilala at kaibigan ko sa baste! tapos si Jepong naman, ang pinaka gwapong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko!! tapos ngaun, si yuki naman ang aalis, e sila nga lang ang lagi kong kasama eh, ayaw ko na din mabawasan ung mga kabigan kong nakakasama at nakakatawanan at kapareho ko ng trip at hindi bad influ!! ayaw ko talaga eh.. kaya nakakalungkot.

naka-uwi na ako sa bahay at lalo lang akong nalungkot dahil babayan na kaming lahat.
"pare! bye na! sana magkaklase tau ulit next school yr." hindi nyu cgurado alam na ayaw ko ng babay times! pinaka ayaw ko talaga un! isa sa mga pagkakataon na gusto kong iwasan ang babay! heheh.,., ang hirap kasing magpaalam!! andami pang sinasabi!!

pagdating sa bahay umakyat ako at kinuha ang CD ni yuki, nang binuksan ko ang Cd na binigay sakin ni yuki. may msg!! wahahah!! nakakalungkot!! lalagay ko san! pero hindi na pala! akin na lang un! :)

maganda ung msg nya!! hindi ko inakalang may tao pala akong napasaya! hahah!!

ginawa habang nakikinig sa CD ng aking sausage, Yukiko Haraguchi. thanks!!

goodbye freshmen feeling!