-walang nangyari- (fiction)
Isang umaga.
Kagigising lang ng ating bida, mga 10:30 ata un, nang bigla syang dumiretso sa study table nya sa sulok ng kanyang kwarto at agad na kumuha ng bondpaper at panulat ng walang anumang dahilan. Isang bagay na matagal na nyang hindi ginagawa. Isang bagay na matagal na nyang kinatatamaran ang nagbabalik at nagpaparamdam sa kanya.
"p*ta sh*t! anu to? magsusulat ako?"
Medyo naguguluhan pa ang ating bida sa kung anumang dapat nyang isulat. anu kayang magandang isulat? dapat ung hindi boring. Patuloy na tumatakbo sa isip nya. Nang biglang.. TING! May naisip na ang ating bida!
"hahaha!! alam ko na!!!"
Tumayo ang ating bida. Agad lumabas ng kanyang kwarto at kumain ng almusal. Nyam. Nyam. Nyam. Glogloglog. gloglog. aaahhh. Natapos nang kumain ang bida nang maalala nya ang gagawin. Naku! anu nga bang isusulat ko? naisip nya habang binubuksan ang CD player. Salang ng CD at nagtatalon at nanginig ang ating bida. tila taong ulol.
"Bida! kuha mo nga ako ng tubig dyan. kasi ang dumi na nito eh" sigaw ng kanyang mami na sakalukuyang naglilinis ng kotse. Punas style!
Tumayo ang bida. Itinigil ang ginagawa at kumuha ng isang baldeng tubig mukla sa labahan section.
"o mami! ang beeeegaaat!" tamad kasi ang ating bida kaya hirap na hirap na xa sa ginawa nya.
"akin na tutoy. bida, linisin mo naman yung kwarto mo. Ang kalat kalat eh. pano mo nagagawang matulog sa ganong lugar? sige na, babayaran kita." sabi ng kanyang mabait na nanay.
madali lang po! humiga ka tapos tutok mo ung electric fan sa ulo mo! solb! sagot ng bida. pero sa isip lang nya toh.
"opo! mimya, nagsusulat pa ako eh!" wow! lusot!
Tinuloy na ng ating bida ang paglundag. ABA! at ngaun ay sumasayaw na sya! mukang masaya nga talaga ang pinapakinggan ng ating bida ah! rakeynrowl!
"bida! eleven thirty na ba?" tanong ng mahal na lola ng ating bida.
SAKTO! 11:30 na! oras na para manood ng paboritong "only you" ang kanyang lola.
"hindi pa po eh!" sagot ng dimonyo nating bida na sinundan ng kakaibang ngiti.
"ah ok. tawagin mo ako pag 11:30 na ha!" malumanay na sagot ng kanyang lola.
"opo!" nakakainis na sagot ng ating bida. hahaha! bukas pa ang 11:30 mo! bwahaha *demonic smile*
nagpatuloy sa pakikinig ng musika ang ating bida, pero sa pagkakataong ito ay hindi na sya sumasabay. napagod din sa wakas. Bigla nyang naalala na meron nga pala xang pinabiling 'hansel sandwich' sa mami nya. yeah! masayang lumamon ang masama nating bida. makulay na ang buhay ng bida ng biglang may nagbadyang panganib.
"anak! patayin mo na nga yang tugtog mo! parang music ng mga sira ulo! magpatugtog ka ng soft dahil tugtog ng gang yang pinapakinggan mo. at maligo ka na! ay!!! linisin mo pala muna yung kwarto mo. sige na.. sige ka, hindi kita bibigyan ng pera." sabi ni mami nya.
shet! anung gagawin ko? asa ka mami!! kala mo ha!! hindi mo ako matatalo! hahah!! naisip ng ating bida habang... habang pinapatay ang CS player.
"opo mami!" sagot ni bida habang tinatanggap ang pagkatalo.
"haay! anu na kayang gagawin ko?" sabi ng bida sa sarili habang pumapasok sa kwarto. ang susulatin ko! bigla nyang naalala. humiga muna xa sa kanyang makalat na kama at itinutok ang maalikabok na electric fan sa kanyang ulo. mataimtim na nag-isip ng next move ang ating bida. isip. isip. isip hanggang sa naging itim at madilim na ang lahat. ZzZzZz.....
swish!!
biglang napapunta sa school ang ating bida. kasama daw nya ang kanyang mga katropa at kabarkada. at hulaan nyo kung anong ginagawa.
nagre-WRESTLING!! sa Loob ng classroom!!
xa daw si HBK. At kalabana daw nya lahat yung mgatao don sa loob ng classroom. nandun din yung mga kaklase nyang babae, both HS and college calssmates. chini-cheer daw sya! wooh yeah! sipa sa mata. Low blow. suntok sa bungo. sapakan sa kilay at sabunutan ng buhok sa kilikili. ang lupit daw nya!
"go bida!!" narinig pa daw nya yan na isinisigaw ng bago nyang kinababaliwan. ayos!!!
binanatan daw nya silang lahat at napatumba ang mga ito. napatumba nya lahat. pero!!! pero walang referee. shet!! nagsisigawan na daw lahat sa classroom.
"BEEEDA!! BIDA! BEEDA!! BEEDA!!" ansaya!
nasa kalagitnaan na ng kasiyahan ng biglang dumating ang professor at tumahimik ang lahat. biglang nawala tung ring sa loob ng classroom na nagbigay ng pagtataka sa ating bida (sa mga panahong ito ay hindi pa nauunawaan ng ating bida na nananaginip sya.) patuloy na nagtaka ang ating bida at tuluyan ng umupo habang sinasabi ng prof nila:
"class! meron tayong napaka sayang activity ngaun."
"wooohh!! yehey! anu pu yun sir?" sigaw ng mga kaklase!
"maglalaro tayo ng..........(drum roll) WRESTLING!!" sabi ng prof.
nagsigawan ang lahat at nawala sa sarili at sa isang iglap.
TOOT!!!!! nagising na ang ating bida dahil sa isang text message! (beep once) mga 3pm ata un. shet! di pa ko kumakain! naisip nya habang kinakapa ang dalawang boy bawang sa ilalim ng unan nya. (trivia: dun din nakatago ang hansel sandwich ng ating bida)
"ugh! panaginip lang pala! sayang! ang kulet! heheh..sino kaya tong nagtext na toh?" habang kinakalikot ang cellphone.
you have been loaded blah blah blah P30!
aun lang ang kinailangan nyang mabasa para matuwa.
"yes!! nilowdan ako ni mami!!" masayang sigaw ng ating bida.
holy cowies!! may isusulat pa nga pala ako! naalala na naman ng ating bida. dumiretso sa study table at tinitigan ang blankong bondpaper ng mejo may katagalan. nagpatuloy sa pagtitig na animoy automatic na lalabas ang mga salita sa bondpaper ng dahil sa ginagwa nya. pero sa kabila ng lahat ng effort na inilabas ng ating bida sa pagtitig sa bondpaper, blanko padin sa ideya ang utak ng walang utak natin bida. tinamad. tumulo ang laway. tinamad ang laway. at tuluyan na nyang naisipan na humungi ng pera sa kanyang nanay at tatay. tagumapay!!! ng makuha ang pera, agad naligo at umalis sa bahay ang bida para makipagkita sa mga kabarkadang bida din. nagcheck ng friendster. nagcheck ng myspace at ginawa ang paborito nilang gawin sa paborito nilang lugar. sa madaling salita, tumambay sila sa tambayan nila.
samantalang, habang nasa labas at tumatambay ang ating bida, dumating naman sa bahay nila ang kanilang mga kamag-anak mula pa sa Baguio. at nagkasiyahan sa kanila.
balik sa ating hero. BUZZ BUZZ BUZZ BLAHA BALAH HAHAHAHAH!! BLAH BLAH BUZZ!!!
"talaga? wahahah!! blah lbah blah yada yada!!" masayang nagkekwentuhan ang barkada ng biglang naalala ng bida na meron nga pala syang mahalagang gagawin. naku!! may isusulat nga pala ako! kayamadaling nagpaalam ang ating bidaat kilos kidlat na umuwi para gawin ang mission impossible nya. ang magsulat! kelangan kong matapos ang mission ko! patuloy na tumatakbo sa isip ng ating bida habang pauwi. nagpatuloy sa paglalakad at nakipagsagupaan sa mga nakakatakot na tao sa labas ang ating bida at tuluyan na nyang natunton ang kanilang bahay.
habang nasa labas..
"anu kaya toh? bakit ang ingay sa loob?" napatanong nalang sa sarili ang bida.
binuksan ng ating bida ang gate at nasurpresa sa pagsalubong sa kanya ng pinaka matalik nyang pinsan. si kontra bida.
"kamusta na bida?" tanong ni kontra bidang pinsan na matagal nang gustong makabonding ni bida." tagal nating hindi nagkita ah! kilala mo pa ako?" dagdag nito.(sa mga panahong ito ay hindi pa nauunawaan ng ating bida na isang malaking banta sa kanyang pagsusulat ang pinsang kontra bida. kaya nga kontra eh.)
"tanga ka!" sabi ni bida sabay sapak sa muka ni kontra bida. "syempre nmn noh!! para namang 10 taon tayong hindi nagkita hahah!" sagot ni bida. iniisip kung paano mag-eexcuse para magsulat. dahil sa mga oras na ito ay umaapaw na sa ideya ang utak ni bida. etong pakiramdam na toh ang matagal na nyang hinihintay buong bakasyon. alam na nya kung anung isusulat nya. pero paano? pilit inisip ni bida.
(drum roll)
eto na. nagsimula ng bumuka ang bibig at gumalaw ang dila ni kontra bida. kwentuhan time!! isang delubyo.
boom!!
"bida!! alam mu na ba ung Blah blah blah? glagluglu duwey yada yada? kunyari naintindihan nyo.
alam ni bida ang tinutukoy ni kontra bida pero:
"ay ayun ba aun? naku! hindi ko napanuod un eh." pilit na nag papakaboring ang ating bida para antukin ang kontra bida
"waaah!! sayang naman! blah blah bluga blug blug! grabe! yaga yow yow! dba? hahahahahah!! " masayang sabi ni kontra bida. kunyari naintindihan nyo ulit.
shet! anu kayang gagawin ko? kelangan ko ng magsulat. masasayang ang lahat ng ideya ko!
makalipas ang ilang sandali pa, mamamatay na sa pakikinig ang ating bida at tuluyan na nyang naibulalas (what a word) ang kelangan nyang sabihin. pinaliwanang nya sa kontra bida na kelangan nyang magsulat ng isang entry para sa blog nyang matagal nang napabayaan. pinaliwanag nyang kelangan nyang ilipat sa papel ang lahat ng ideyang dumadaloy sa ugat sa kanyang utak. dahil masasayang lang ang mga ito pag lumipas lang.
"bakla!" sagot ng pinsan "hahah!! bida! anu ng ngyari sau? mga kabaklaan mo!"
"tanga ka! hahah!" importante kasi toh eh. kahit 30 mins lang." sagot ng ating bida.
"nyak!! wag na! sige na oh! aalis na kami bukas!" sagot ng pinsan sa kabila ng pagpapaliwang ng ating bida. at bigla nitong naisip ang kahinaan ni bida! "maglaro nalang tayo ng DOTA!!"
shet!! anung gagawin ko? anung pipiliin ko? alam nyo na kung sinong nag-isip nito.
BIDA:hindi tol, mas mahalaga tong kelangan kong isulat! pasenxa na pero hindi mo na talaga ako mapipigil. 30 mins lang naman eh.. ok? mabilis lang"
KONTRA BIDA: libre kita! open time!
BIDA: sige! tara!!!
halata bang tinamad ng yung author? hahah! pasenxa na!