Kahit Anu!

si "kahit Anu" ang blog na tungkol sau, sakin, sa nanay mo at sa lahat ng makikita mo sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng araw! 1 blog na kapag binasa mo ay garantisadong mawawalan ng saysay ang araw mo! tinatawag ko xang si KA! lahat ng nakasulat d2 ay makikita nyu rin sa blog account ko sa myspace, di kailangan ng magkaibang version! ang blog na tumatalakay sa mga posibleng mngyari araw2, sayo. sakin. sa alaga mong hayop. sayo ulit. at sa ating lahat!

 

Thursday, February 23, 2006

hanep na experience

naalala ko lang ung isang experience ko nung mga unang araw ko sa college at d2 sa mendiola. nagtataka ako kung bakit ngaun ko lang ito naisipang ilagay dito.

July. madilim ang kalangitan na parang may panganib. malamig ang hangin na parang sumasalubong sa katapusan ng buhay ko. ito ang araw bago ang prelim exam namin ni Jawo. hindi ko alam kung bakit, pero masaya naming napagdesisyunan ni jawo na dumaan sa likod ng CEU, isang lugar na parang may kakain sau. isang lugar na parang hindi ka na makakalabas ng buhay, isang lugar na punong-puno ng batang HS na nag-aaral sa V.Mapa (isang school na subrang daming students)

sa gitna ng paglalakad ay may nakita kami ni jawo. isang grupo ng kalalakihan , kinelangan ko lang ng 0.01 second para masabing sila ay mga "ghetto homies". sila ung mga taong nakapasok sa loob ng sapatos ung pants kung pumorma. sila din ung subrang haba ng mga damit at laging naka jersey. sila ang mga homie boys!

"hahah ghetto! ulul!" sabi ko. and im really glad na hindi nila ako narinig.
"hahah! gago! gulpihin ka ng mga yan eh!" joke ni jawo.
"asa sila! baka pagsamasamahin ko sila ng mga lolo nila!" sumakay lang ako kay jawo.

nakalampas din kami sa mga ghetto boys at tuluyan nang nakalabas sa pangit na likod ng CEU. 1st street. 2nd street. 3rd street, kung nasan ang dorm na tinitirahan ni jawo.

jawo: tol, oo nga pala, may book ka ba sa history.
johnray: uu, bakit?
jawo: pahiram nmn oh, pa-photo copy ko lang. mahaba kasi ung coverage ng exam eh.
johnray: ok, daanan natin sa bahay! samahan mu ako.
jawo:ok.

tuloy sa paglalakad. 4th street. 5th street. tulay, at nakarating nadin kami sa bahay. mabilis kong kinuha ung book ko sa history at lumabas ulit sa bahay para maghanap ng xerox machine.
tuloy ulit sa paglalakad. 5th street. 4th street. 3rd street.
HOLY PAKSHET!! ANDAMI NILA!
nanadun ang mga ghetto boys!

jawo: gago, johnray ung mga ghetto oh!
ako: oo nga eh, p**** bakit kaya nand2 yang mga yan!?
jawo: gago, baka narinig ka nila kanina. todas ka!
ako: nak ng! (kabado)

hindi humihinga kaming dumaan sa 3dr street. whew! walang ginawa samin ang mga ghetto boys. pero bakit kaya sila nandun? parang may inaabangan. ngaun lang namin sila nakita sa lugar na un simula nung june. nakakapagtaka pero kelangang magpatuloy sa paglalakad. 2nd street. 1st street.
Sa Wakas!!!! XEROX MACHINE! nakakita na kami ng solusyon sa problema namin
habang nagpapa-photo copy:

"pabili nga po ng C2!" isang magandang lalaki ang bumili sa tindahan kung san kami nagpapa-xerox ni jawo. may tamang taas, laki, maputi at mukang mayaman, gwapo din xa. lamang lang ako ng konti.
pagkabili nya, umalis na xa.
makalipas ang dalawang minuto. natapos na ng tindero ang pagphoto copy sa mga notes.
lumabas nadin ako habang nagbabayad si jawo, nakita ko ulit si kuyang gwapo. pabalik xa. mukang nagmamadali.
nang biglang....

BOG!! may isang kalbong baboy na pumalo sa ulo nya gamit ang polo (pamasok sa school). akala ko kaibigan nya, pero nagkamali ako dahil pinalo pa xa ulit nit o ng isa. at isa pa. at sinundan pa ng tatlo. may sugat na sa uylo si kuya. (parang napaka lakas ni kalbong baboy noh?! kasi polo lang ung ginamit nya tapos dumugo na ung ulo). pinalo pa xa nito BOGS!!!

pumasok si kuya sa loob at tuluyan kaming nacorner. hindi ko alam kung panu, pero napasama ako sa loob! kadikit na kadikit ko lang si kuya habang ginugulpi xa. pumasok xa sa tindahang binilihan nya kanina sa pag-aakalang magiging ligtas xa sa loob pero, tulad ko, nagkamali din si kuya. dahil dun na xa tuluyang nagulpi. biglang....

ANAK NG KABAYONG BANGAG! NANJAN NA ANG MGA GHETTO BOYS!

"P***** ina mo! tigilan mu ang gerlpren ko ha!"
"p***** ina ka!!" puro ganyan ang narinig ko. walang ibang salitang lumabas sa mga bunganga nila!
ginulpi nila si kuya. hinawakan ang ulo at sabay ipinalo sa patusok na corner ng isang table. ARAY!

"aray ko. t*** ina, tama na!" sabi ng kawawang boses ni kuya.

"t*** ina ka! tigilan mu GF ko ha'" sabi na nmn ni kalbong baboy.

"oo. oo na. tama na!" nakakaawang boses ni kuya habang ginugulpi ng lampas sa sampong katao. lampas sampung katao ang sunod-sunod na sumusuntok, sumisipa at pumapalo ng upuan sa kanya. tinatamaan ako nung ibang mga banat nila. kabado na ako! baka tamaan ako ng solid!
johnray: (buong tapang) kuya tama na po! wag dito.
nakatatlong ulit ako ng biglang binigyan ako ng isa sa mga gangsters ng isang pamatay na titig.
parang automatic na sumarado and bibig ko. tiningnan ako ng masama ng isa sa kanila, akala ko isasali na nya ako. pero nagpatuloy xa sa pagbayo kay kuya. punong-puno na ng dugo ang sahig, pati ung tindero nagpakita na ng tunay nyang kulay. dabing pala xa! seryoso!

akala ko tapos na nag gulpihan ng biglang may isang lalaki na nakasuot ng vans (skating shoes) ang tumalon at binigyan si kuya ng isang mask rider kick. solid sa duguang muka ni kuya! nakakaawa, naiiyak ako. at saka sila umalis na parang walang nangyari. ung iba sa kanila nadulas na dahil sa dami ng dugo sa sahig.
nakaalis na silang lahat maliban sa pinaka unang umupak kay kuya. si kalbong baboy. nandun padin xa! andaminyang sinasabi, ang yabang nya! nandun padin ang taong animoy napaka lakas dahil napadugo nya ang ulo ni kuya gamit lang ang kanyang polo.

pero, ulit, nagkamali na naman ako. dahil bumungad sa mga mata ko ang katotohanan nung isuot ni baboy ang kanyang polo. nandun at iniwanan nya sa sahig ang isang kahoy na itinago nya gamit ang polo para hindi makita ng marami. isang kahoy na may sukat na 4x4 at may pako sa dulo! aray! ayun pala ang dahilan kung bakit dumugo ang ulo ni kuya. pagkatapos nun, tuluyan na xang umalis, naglakad lang xa! preskong-presko. parang walang nangyari. nagtetext pa nga xa eh. angasssss...
sa wakas. nakatayo nadin ang duguang si kuya. kitang-kita ang sugat nya sa ulo, nakabukas na toh, ang lakas ng tulo ng dugo nya.

"tulungan nyo ako" pula na ang buong muka ni kuya. pero walang isa man, kahit kami ni jawo, ang tumulong (siguro dahil sa na-shock ang lahat ng nakakita, lalo na akong katabi.)

"tulungan nyu naman ako! sige na!" sabi ni kuya, nakakaawa xa pero humahanga ako sa kanya dahil kalmado padin xa sa kabila ng sitwasyon. hindi xa umiyak.
naisipan na namin ni jawo na tulungan xa. binigay ni jawo ang panyo nya para mapunasan ang mga dugo sa muka ni kuya.

"halika" sabi ko kahit wala akong ideya kung bakit ko sinabi un.
"san?" sabi ni kuya. blangkong-blanko ang tingin nya sakin. parang hindi xa sakin nakatingin.

hindi ko alam ang sasabihin ko. buti na lang may sumigaw ng "tumawag kayo sa ospital"
pero biglang dumating ang mga kakilala nya at tinulungan xa. naglakad na sila. pero naiwan pading pulang-pula ang duguang sahig sa tindahan. tapos may nakita akong matandang namumulot ng nahulog na barya mula kay kuya.

ANAK NG PUTEKS INANG HANEP!
umuwi akong duguan ang damit at nag-aalala sa kalagayan ng isang taong hindi ko kilala. akala ng nanay ko ako ung nagulpi. buti na lang hindi kami nadamay ni jawo. nakaktakot na malungkot na masaya ung experience na un para sakin. kasi first time ko lang makakita ng hardcore na gulpihan at katabi pa ako nung ginugulpi. alam kong may mga ganung uri ng tao, pero hindi ko inaasahang makakakita ako ng ilan sa mga unang buwan ko sa mendiola.

golden moral lesson: wag kaung manggugulo ng girlfriend ng may girlfriend

Tuesday, February 14, 2006

baLentayms dey!

isang kakaibang araw na hindi ko maxadong naramdaman ngaung taong ito. kahit naman nung bata pa ako, ang alam ko lang talaga dati ay magRED pag balentayms dey! kaninang umaga pag gising ko, ayos ang lahat. isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong nilalang, pero para sa iba pala, isa itong importanteng araw para magsama sila ng kanilang mga minamahal sa buhay, bigla kong naisip si mom and dad!
oo nga at wala akong love team ngaung taong ito, pero naisip ko, balentayms dey is not for lovers only! para nga pala ito sa mga mahal sa buhay. hindi nga nmn ibig sabihin ng mahal sa buhay ay ung mga gerlfriend/boyfriend or nililigawan lang. kasama nga pala dito ang mga kaibigan, magulang, kapatid at kung sinu pa mang pinapahalagahan natin sa buhay.

edi aun, umalis na ako ng bahay para pumasok. nung nandun na ako sa smoking area ng school, nakita ko ung isa kong kaklaseng babae, kasundo ko xa! hinihingi ung regalo ko sa kanya. wala din nmn akong bibigyan ng regalo ngaun araw na ito kaya minabuti kong sa kanya nlng ilaan ang baLentayms gip ko! ayos din nmn eh, isang balentayms gip para sa isang mabuting kaibigan. hindi na masama! maganda!

"hotdog! nansan na ung gift mo sakin?" sabi nya.
"tara! bili tau! hanap tau. anu gusto mu? eto?" sabi ko habang nakaturo sa isang pulang rosas.
"(iling)" sabi ng ulo nya.
"huh?! nye! eh anu gusto mu?" sagot ko habang nakangiti sempre.
"ayun oh" nakaturo xa sa isang lobo na meron pa ulit laman na lobo sa loob! (cute)
"hahahah!!! cge! w8 lang ha! bili kita!" sabi ko!

ako: magkano po yan? yan pong hawak nyo?
tindero: anu? itong itlog ko? aba hindi binebenta yan bastos!
ako: ah hindi po! yan pong lobo na merong lamang lobong hugis puso sa loob.
tindero: ah eto ba?! tuweynti payb!
ako: ok po, pabili nga po ng isa (sabay abot ng bayad)

"oh yuki! happy balentayms day!"
"hmmmmm(w/ kilig) thank you hotdog!" hahah! ansaya! kumulay ung buhay ko! ung valentines day na mejo hindi ko nararamdaman ngaun eh biglang naging makulay na araw.
ang sarap talagang magpasaya ng minamahal sa buhay, kahit magastos. kanina napagdesisiyunan namin ni jawo na bumili ng bulaklak para sa mga nanay namin! pero hindi kami nakabili. card nlng bibigay ko kay mami! kay dadi nmn, kiss na lang!

ung mga estudyante dun sa baste kasama talaga ung mga bf/gf nila, ibang-iba talaga ung itsura ng mundo kanina eh, andaming kulay pulang bulaklak,lobo,damit, at kung anu2 pa! andaming magkasamang girlfriend at boyfriend habang may dalang bulaklak si girlfriend! masaya,
pero inaamin ko sucky day padin talaga para sakin ang Vday ngaung taong toh. pero hindi ganun ka-sucky! kasi nanjan sila mom and dad and brother and sister and friends at lahat ng minamahal ko sa buhay.

happy balentayms dey sa inyung lahat! sa isang taon ulit!

Monday, February 13, 2006

patay na xa!

oo, patay na xa! ang isa sa mga minahal ko, inalagaan at iningatan sa buhay! kasama sa maraming pagsubok sa buhay! nanjan kapag kelangan ko! pero ang talagang nakasakit sakin, bukod sa katotohanang patay na nga xa, ay dahil sa ako ang pumatay sa kanya! hindi ko alam ang ngyari, wala ako sa sarili, hindi ko ginusto ung ginawa ko! pero wala akong magawa! simigaw ako:

"aaaahhhh!!! baaaakkkkkiiieeeettt?!!! bumalik ka!!"

pero hindi na xa bumalik! wala na xa! nasaktan ako sa nangyari dahil may tumutusok sa mga daliri ko! tuwing pinipindot ko ang kanyang ulo! hindi ko alam kung anung pumasok sa isipan ko nung mga panahong un! bigla ko na lang xang naibato sa dingding/pader na naging sanhi ng pagputok ng kanyang ulo at pagkabasag ng leeg. nagsisisi ako sa ginawa ko. matapos ang lahat ng naidulot nya skin eto lang ba ang igaganti ko sa kanya? ang ibigay ang kanyang pangit na kamatayan?! naiinis ako sa sarili ko! naiinis ako dahil sa kawalan ko ng utang na loob!
paano na ang mga pagsubok na haharapin ko? ako na lang ba mag-isa! wala ng sasama sakin! AYOKONG MAKULONG!! kelangan makahanap ako ng bago!

may nakita akong pamalit sa kanya nung isang araw, pero hindi ko xa gusto! baka mapatay ko lang din xa! ayaw ko ng makapatay ulit! dahil, bukod sa masama ito, ayaw ko ng mawalan ng isang mabuting kaibigan na sumusuporta sa akin sa oras ng pangangailangan.

wala ng sasama sakin tuwing may pipirmahan ako sa kahit anung subject.
wala nang sasama sakin sa pagsusulat ko ng notes ko.
wala nang sasama sakin tuwing nagvavandals ako sa table sa coffee shop.
wala nang sasama sakin kapag may mahirap akong exam na xa ang nagpapadali dahil swerte xa.
wala na xa.

salamat sa mga naidulot mo sakin.
salamat sa mahihirap na exams na pinadali mo.
salamat sa mga alaalang naiwan natin sa bawat table sa coffee shop!
salamat sa sayo.

patawarin mu sana ako.
alam kong mahirap, pero humihingi talaga ako ng kapatawaran sau.
hindi ko giustong saktan at patayin ka.


paalam na sayo lucky pen! hinding-hindi kita malilimutan!

-a blog entry dedicated to my lucky pen, who passed away just a while ago.
Image hosting by Photobucket
goodbye lucky pen!


Saturday, February 11, 2006

Ma. L. A. S.

oo, Marius Luke A. Sanchez. ikaw nga!
-isang tao na gumawa ng abbreviation sa pangalan nya, mula sa initials ng name nya. "MLAS" malas daw ang basa jan. kaya inimpro ko na at ginawang "MaLAS" para mas maganda.
Ang taong ito ang bestfriend na matalik na kaibigan ko na kadikit ng bituka ko!
maraming bagay ang napagkakasunduan namin tulad ng music, secrets, pagkain, movies, powertrips at pareho kaming gwapo.
Si Marius, ok, ang taong nakasama ko sa maraming yugto ng buhay ko. kaming dalawa ay nagtutulungan sa maraming bagay. naaalala ko pa dati! kaaway ang turingan namin nito nung 2nd year eh. kasi hindi ko naman sila masisisi nila jawo at xtian na mainis at ituring akong kaaway kasi talagang napaka kulit ko dati eh, ganun padin ako minsan. hindi ko inakalang magiging kaibigan ko toh matapos ang mga panahond un! hahah!! pag iniisip ko ngaun ung mga un, natutuwa talaga ako at natatawa. ang galing ng tadhana!
naaalala ko pa nung minsang may bibilhin akong isang bagay na gustong-gusto ko (magic, the gathering cards a.k.a. Magic Cards)
P500. wala akong pera nung panahong un, kulang. hindi na ako nangailangang lumapit sa kanya dahil xa na ang lumapit sakin.
"pautangin kita. gusto mu?" parang liwanag sa dilim ang mga salitang un!
Si Marius din ang kasama ko sa pagsunod ko sa prinsipyo ko sa pananamit na
"kung kaya mung dalhin, isuot mu. dahil nasa nagdadal yan."
ayos!
Maraming hapon, umaga, gabi nadin ang lumipas mula ng huling pagsasama namin ng kaibigan ko. matagal-tagal narin. hindi na din kami nagkakatext. magka-iba kasi ang sim namin. Globe xa, Smart naman ako. parehing may unli.
oo nga at nakakasama ko padin xa paminsan-minsan, pero ang tinutukoy ko sa "matagal" ay ung mga adventures namin, ung mga sama ng loob na kinekwento namin sa isa't-isa, usapang kahit saan mapadpad ay hindi lami nagsasawa, sountripping at ung araw-araw naming pagsasama at pagbobonding sa school na tila hindi kami nagsasawa sa pagmumuka ng bawat isa. hindi ko sasabihing namimiss ko xa!! pero hindi ko din alam kung anung tamang term na dapat kong gamitin! pakshet nmn oh!
Maraming alaala ang nabuo ko habang kasama ko si Marius! sobrang marami kaya hindi nyu na tatapusin basahin toh pag inilagay ko lahat! kaya ito ang ilan. naaalala ko ng minsan kaming nangarap ng sabay at inisip kung anung mangyayari samin pagtanda namin at nangako sa isa't-isa na magiging magkaibigan hanggang pagtanda. at ang pagkaka-intindi ko dun ay kahit mahirap man o mayaman. hanggang kamatayan. hanggang sa kabilang buhay. walang iwanan na mangyayari. (kasama sa pangangako sila bryan at xtian. pero xempre kasama rin ang iba sa plano katulad ni jawo at iba pa.)
kasama ko din ang taong toh nung napag-usapan namin ang Diyos at ang mga bagay-bagay sa mundo. bakit tayo nandito? anung mangyayari pag namatay tayo? ilan sa maraming sagot na binigyan namin ng sariling sagot at bumuo sa sarili naming paniniwala at pananaw sa buhay. bakit may mga bagay tayung ginagawa na parang nangyari na (deja-vu)? kaya nagawa namin ang teorya ng lahat ng bagay ay nag rerewind pag namatay, pero kami arin ang sumira nito, dahil nangangahulugan itong merong multiverse at buhay parin sila Rizal sa ibang universe.(kasama rin sila xtian at bryan sa usapan dahil kami ang...ewan ko kung anong tawag samin)
nung araw na napag-usapan namin toh ay pumasok kami sa gym namin ng malungkot, kahit ang panahon dahil gray ang langit (ang lungkot, at lumabas ng punong-puno ng buhay at animo'y nmapaka kulay ng mundo! tumambay kami sa isang lugar at si Marius ay buong pwersang sinipa ng isang bata sa likod na dahil sa dahilang hindi maipaliwanag, dahil sa dahilang wala! pero hindi xa nagalit! katunayan na masaya kaming apat nung araw na un. memories.....
at xempre hindi matatawag na "maganda" ang magagandang alaala kung wala ang mga pangit!
pangit dahil minsan na akong sumama ang loob kay Marius at iniwan ko xa sa ere. nag-iisa. walang ibang kasama. at nagawa kong lahat ng un dahil sa pag-ibig na wala nmng kinahantungan! dahil sa pag-ibig na ngaun ay isang salita na wala ng kahulugan para sakin. dahil love suxxx! except kung pag-ibig sa magulang, Diyos, bayan kahit anu wag lang sa babae.
iniwan ko xa at sumama sa iba kong kaibigan dahil sa selos (yuck! ang baba na ng tingin ko sa sarili ko)
oo, iniwan ko xa dati dahil tanga akong kaibigan, hindi ako dapat maituring na bestfriend ni Marius o ng kung sinu man! and im so sorry for that, oo im so sorry dahil yan na lang ang magagawa ko. "the damage is done" (one of my fav. lines)
pero sa kabila ng lahat, napatawad padin ako ni beastfriend! hehe.,. at xempre lalu lang tumatag ang samahan namin nun! isang totong kaibigan.
magkasama rin kami sa mga kinaaasaran, ung iba pero sa iba hindi, heheh.. lahat ng may ginawang masama sakin naiinis din xa! pero ganun din ako sa kanya xempre! pakshet nmn!
hindi ko gaanong maisulat lahat ng gusto kong ialgay dito. isa pa, sapat na nmn siguro na naaalala ko, at niya, ang mga pinagsamahan namin at na minsan din kaming naging tunay na magkaibigan.
salamat.
salamat sa suportang ibinigay mu kapag may gagawin ako.
salamat sa pagtrato mu sakin na isang matalik na kaibigan.
salamat sa lahat ng pinagsamahan natin.
at salamat sa magandang alaalang nabuo natin, habang bata pa tau, dahil sa ating samahan.
patawad.
patawad sa mga pananakit ko sau, physically and mentally pero mostly physical eh noh?
patawad sa mga katarantaduahan ko bilang isang kaibigan.
patawad talaga sa lahat pare tol brad dude kaibigan kabatak bestfriend.
salamat at patawad marius!
hanggang sa muli nating pagkikita Ma.L.A.S.
hindi man katulad ng dati pero alam kong magiging malapit padin taung magkaibigan!
oo nga pla! paalala! hindi ka malas tol! maswerte kami sau at ganun kadin samin! salamat!
- a blog entry dedicated to, obviuosly, Marius Luke Sanchez!
Image hosting by Photobucket

"TORPEdoes"

NSTP
-isang subject na maraming naiinis at nag-iisip na walang kwenta ang subject na toh. isang subject na maraming nag=iisip na wala kang makukuha kundi pagod,pawis, at badtrip. isa ako sa kanila, dati.

Ng magsimula ang NSTP, tinatamad ako. walang pumapasok sa utak ko kundi ang katamaran. Buong buwan ng June hanggang August. Tamad talaga, isang pabigat sa mga estudyante ang tingin ko sa subject na to, isama mo pa ang UBOD ng yabang na si "bigote", ang coordinator ng LTS. Tatlo, Tatlong buwan akong pumasok ng sapilitan hanggang sa nakit anamin ni jawo si "crush no.1" at "crush no.2"
Ayos!
Ginanahan akong pumasok ng NSTP. For the first time in my life, pumasok din ako ng NSTP ng buo at taos sa puso.

September, isang magandang buwan para sa "nstp memories" ko dahil kasama namin sa Group si "no.1" at "no.2". Kasi parehong LTS ang NSTP course. woooo ayos!
Nung una, palagin tumatawa si "no.1" sa mga simpleng padale namin ni Jawo. Tumatawa din xa kahit hindi kami nagpapatawa. ABA! magandang senyales un! oo nga pala, si "crush no.1" ay isang chinitang babae na chubby, cute, mejo maliit, maputi at crush naming dalawa ni Jawo. Ngunit, dumaan ang mga araw, hindi na namin xa nakita. Wala ng tawa. Wala na.
Puputulin ko muna toh para kay

"crush no.2" isang mgandang babae na maputi din, cute, tamang height, at isang katangian na nakakabilib sa kanya, hindi nagbabago ang status ng muka nya. Kung anung texture sa umaga, ganun padin sa hapon. Oilfree, fresh na fresh! Walang sweat glands! Ang ganda!! hahah!!
nung una, naiinis ako d2 kasi kung san kami pumunta, saktong nandun xa! as in palagi, kaya nagmumukang sinusundan namin xa! muka tuloy kaming stalker! Makalipas ang ilang sandali, napagdesisyunan namin ni Jawo na hindi na namin xa crush at hindi na namin xa titingnan. hahah!! (parang bata noh?!)

* end of 1st semester

hindi ko man lang xa naisip buong semestral break! wala nmn akong pake eh.. ang lahat ay simpleng paghanga lang.

*2nd sem! Fight!
ba! nakita namin ulit si "crush no.1" parang isang kabuteng sumulpot mula sa kawalan at bumalik sa eksena. hindi na xa tumitingin samin. at ganun din kami sa kanya. tapos one tym nakita namin xa may kasama, BF nya.

"ah.. kaya pala! pero bakit aun ang BF nya?" said John Ray and Jawo.
* End for "crush no.1"

Si "crush no.2". kung dati naiinis ako sa kanya, ABA! iba na ngaun, dahil tumitingin na din xa samin at........ crush na namin xa ulit! hawhah! mejo nahihiya na ako dahil sa entry na toh ah! :(
nararamdaman namin na mapali lang xang i-approach. pero may problema, aun ay ang "shyness" bakit kasi nagkaroon pa kami nito eh.
pero hindi mapigil ang action at lagi talagang nagtatama ang mga paningin namin, sapul kami! sapul din xa! hahah! as in lagi. Good sign! Nice!
"makikilala din natin un tol" said John Ray and Jawo.
Laging ganan every NSTP! siguro motto na namin un ni kumag na Jawo.
hanggang ngaun, patapos na ang NSTP namin. wala padin ngyayari kundi tinginan at pakiramdaman. Last NSTP na namin next wk. Anu kayang mangyayari? masasayang ba ang mga pagsubaybay namin? magkakaroon ba ng himala? makakapulot kaya kami ni Jawo ng P1000 at paghahatian namin? walang may alam! malay natin!


"faith w/o work is dead" natutunan ko yan sa simbahan at na-i-apply ngaun.

"makikilala din natin un w/o work is dead" kaya ang nagin desisiyon ko ay

"wala akong pakelam simpleng paghanga lang nmn ang lahat eh. itutuloy ko ang pamumuhay ko sa mundong mahal!"

note: to be honest, sa lahat ng entry ko. eto ang pinaka ayaw ko. pero sayang kung hindi ko ipo-post.

Friday, February 10, 2006

Feb. 14, Ang pag-gunita!

Gabi bago ang araw ng mga puso, 2005

tinawagan ko xa nung gabi bago ang araw ng mga puso.

(ilang oras na kwentuhan at dumating ang oras ng pagpapaalam)
ako: oi, onga pala! agahan mu pasok mu bukas ha!
special someone: ha? bakit nmn?
ako: basta! agahan mu ha!
special someone: cge na nga! pipilitin ko!
ako: yeah!! saLamat! cge babay na!
special someone: cge, babye..

naaalala ko pa ang konbersasyon. natulog na ako para sa maagang paggising.

Pebrero 14, 2005

maaga akong pumasok para makipagkita kay "special someone". pero hindi ko xa girlfriend ha! inalis at tinanggal ko lahat ng laman ng bag ko para mailagay sa loob nito ang surprise para sa kanya. maaga akong nakarating sa school. hinintay ko xa sa tanging daan nya papunta sa room nila. madilim. malamig. nakakatakot. bigla kong naalala, kelangan ko nga pala ilipat ung letter ko. kaya pumunta ako sa mga display sa school at ginawang patungan ang mga display na merong paalala na:

"thou shalt not lean on the glass" hahah.. joke lang!

"do not lean on the glass"

nasa kalagitnaan na ako ng pagsusulat ng biglang.......

biglang.....

biglang bumukas ang mga ilaw na naging dahilan ng matinding pagkagulat.
"multo?!" naisip ko habang marahan na lumilingon sa switch ng ilaw, at doon ko nakita ang isang..... pugot na ulo, lumulutang sa hangin!!

doon ko nakita ang security guard na nakahanda ng sitahin ako, nasa likod nya ang pinaka-magandang nilalang (nung mga panahong un) sa balat ng lupa at sa mundong ibabaw. si "special someone".
agad akong umalis sa displays at sinugod si "special someone".
"kanina ka pa? ang aga mu ah!!" nagulat talaga ako, dahil parati xang mejo late dumating sa school
"hindi, kararating ko lang" sagot nya.
"ganun ba? teka lang ha"

hinatid ko muna xa as room nila. at tinuloy ko ang paglilipat ng sulat, sa classroom namin. dala ang bag sa likod, tumakbo na agad ako papunta sa room nila nung natapos ko ung letter. baka kasi may dumating pang ibang tao, masisira lang ang diskarte at kapal ng muka ko!

Ginoong John Ray Ibo: oi, may gift ako sau! (habang may dinudukot sa bag)
special someone: (w/shockness) huh?! saLamat!! i love you! (hahahah!! joke ulit ung huli)
Ginoong John Ray Ibo: alam mu ba kung anung pangalan nan?
special someone: anu?
Ginoong John Ray Ibo: heheh..(w/a smile) yan si "special someone bear". ganda noh?!
special someone: ANO?! GINAWA MO AKONG BEAR?! pero thank you padin.

lumabas kami sa room nila at magkasamang sinalubong ang pagsikat ng araw sa mamula-mulang ulap at madilim na bughaw na langit. masayang araw ng buhay. pero hindi pinaka-masaya. gusto ko sana xang bigyan ng kiss! muuuuaaaahhh!! pero ayaw kong masaktan o lumipad sa kung saan mang parte ng pinas kaya minabuti kong wag na lang.


note: si "special someone bear" ay isang pink na bear na cute. may tamang laki at ini-sprayan ng pabango na hiniram ko sa bruha kong kapatid. na sa akin padin ang orig copy ng letter ko. at isang gabi naisip kong basahin! nasuka ako sa kacornihan! hahah!

pebrero 14, 2006

you suck!! hindi ko alam kung sinung bulok na love team ang nagpa-uso ng araw ng mga puso. pero sinu man sila, siguradong baliw ang mga un! siguro aun ung date na sinagot ni corny girl si corny boy, tapos ginawa nilang araw ng mga puso NILA, na ginaya ng iba at ginaya pa ulit ng iba. at ang ginagawang paggunita sa araw ng mga puso ngaun, ay ginagawa para sa pag-alala sa kanila (pero xempre maraming may hindi alam) TAMA! monsary lang nga ng dalawang hibang ang 14 na yan!
-John Ray Ibo's theory of heart's anniversay


"your love is my heart disease!"


Wednesday, February 08, 2006

tapos na ang delubyo ng buhay!

tapos na ang midterms, tapos na din ang delubyo, tapos na ang gabi ng pagpupuyat at tapos na din ang mga nakaka-kabang mga araw bago pumasok sa eskwela!
simula na muli ng araw ng DOTAhan! at DONUTan! at kwentutan!

sa totoo lang, at hindi nmn sa pagyayabang, hindi ako kinabahan sa exams kahit konti.. heheh.,. kasi nag-aral ako. hindi na katulad nung dati.
kasi nung 1st sem, hindi nmn sa hindi ako nag-aaral, nag-aaral ako pero hindi masinsinan, kasi alam kong hindi ako pababayaan ng mga kaibigan ko! at alam kong may makokopyahan talaga ako! pero nag-aaral padin ako nun ha! hindi ko lang tinatandaan ung mga inaaral ko!

pero ngaun, hindi padin ako maxadaong nag-aaral nung prelims! eh may isang subject akong binagsak at isa pa ulit na delikado ang grade ko. kaya, ayaw ko man, napilitan talaga akong mag-aaral. pero hindi naman ito isang masamang ekspiriyens! hahah.. kasi may nadiscover ako!

eto oh:
1. masarap palang mag-aral kapag hindi ka maxadong nagpapakapressure sa pag-aaral.
2. mas masarap mag-exam pag marami kang isasagot dahil sa pag-aaral mo.
3. masarap tumulong sa kaibigan mong nangangailangan ng sagot sa exam.
4. delikadong tumulong sa kaibigan mong nangangailangan ng sagot sa exam.
5. masarap magreview habang nakikinig ng metal music.
6. masarap magpuyat kapag wala kang inaalalang katatakutan sa grades mo.
7. una kang matatapos sa exam pag marami kang napag-aralan.

heheh... yan ang ilan sa sobrang dami kong natutunan ngaun midterms namin! ibang-iba ang exam ko ngaung midterms, kasi ewan ko! basta. ibang-iba! ang sarap umuwi sa bahay! ewan ko kung bakit!

eto nmn ang ilan sa mga kakampi ko habang nag-eexam ako. sila ung mga tumulong at nagpadali sa exam ko! sila din tumulong sakin para lumaban pa sa test paper.


eto na sila:


mahiwagang calcu!
Image hosting by Photobucket ang calculator na hiniram ko pa sa isang mabuting kaibigan na xa ring nagbigay ng ilan sa mga kasagutan sa exam dahil 1ast batch xa at 2nd ako sa exan sa NatSci. ang calculator na toh ay hindi ko ginamit! pero nakatulong parin xa! kasi meron akong............... tinago. hahah..

ang lucky pen!
Image hosting by Photobucketeto ang panulat na ginamit ko sa lahat ng exams ko! feeling ko may swerte toh eh. kasi simula nung ginamit ko ang panulat na to, aba!!! lahat ng mahirap na subject dumali. heheh. bigay pa to sakin nung chowking nung nag-tour ung course namin sa restau nila. nice! saLamat chowking! meron pa eh. kaso: - nung sinend ko sa e-add ko ung image nung (bulong) mahiwagang kodiko ko (/bulong) eh hindi maprosses nung computer. kaya eto ang naging itsura:

ang (bulong) mahiwagang kodiko(/bulong)
Image hosting by Photobuckethahah! ayan! ayan ung lumabas. pero, muka padin nmn xang (bulong) mahiwagang kodiko(/bulong) diba? heheh.,. uu, nakakahiya man. gumawa ako ng kodikong hindi ko nmn ginamit at napakinabangan. alam nyu kung bakit? kasi: 1. nasa wallet ko xa! nakalimutan kong kunin kaya natakot na ako. 2. first time ko sanang gagamit ng kodiko sa buhay ko pero dahil nga 1st tym ko, natakot ako. 3. natakot akong kunin sa wallet ko kasi baka makita ako ng teacher. 4. natakot ako dahil naisip kong mali un. in short, takot ang naging dahilan ng hindi ko pag gamit sa kanya! pero ok nadin! kasi ayos! alam kond papasa ako. ng hindi ko ginamit ang kodikong to!


pero ang pinaka matinding tumulong sakin at nagbigay sakin ng lakas ng loob at tyaga para mag-aral. siya ang dapat maging isnpirasyon ng lahat:

God Almighty
Image hosting by Photobucket
oo, xa nga! heheh.,. kasi gabi-gabi, bago pumasok sa school at sumabak sa gera ng exam akong nagdadasal sa kanya na sana ung mga tanong sa exam ay ung mga napag-aralan ko. eh ayun! lahat ng lumabas sa exam napag-aralan ko! pero hindi ko nakabisa ung iba. kaya thankful talaga ako. the best na tumulong sakin. saLamat po!

sumunod kay god etong taong toh, xa ang isa sa pinaka-mahusay na tumulong sakin
kilalanin si:
John Ray Ibo
Image hosting by Photobucket
piniktyuran ko agad ung sarili ko nung nakarating ako sa bahay matapos ang exam. dahil ilalagay ko xa d2 sa blog ko! nakakatawa. marahil ay iniisip nyu kung bakit ganan ang ngiti ko. ngiting matsing! kasi xempre! naisahan ko ang mga teacher ko! kala nila babagsak ako ha!!! heheh.. nevah!
itong si Ibo,kung tawagin, malupit to! tinulungan ako nitong mag-aral mabuti. hindi namin sineryoso ang pag-aaral kaya nakabisa namin ng maayos ung mga terms! ayos ka talaga tol! saLamat din!


siguro hindi maxadong "big deal" sa inyo ang midterms,finals at prelims! at siguro iniisip nyu kung bakit maxado kong sinelebrate ang midterm na toh! hindi ko din alam eh. pero ito ang mga pumapasok sa isip ko:
1. kasi ngaun lang ako nakapag-exam ng sobrang nadalian ako(sa college life)
2. kasi hindi nmn ako bright child kaya masaya kaong natapos na ang delubyo ng buhay ko.
3. at dahil ayaw ko talagang mag-aral kaya masaya akong tapos na ang midterms at ang blog na toh.

Tuesday, February 07, 2006

wowowee!

wowowee stampede! gumulat sa buong bansa, pero hindi maxado sakin!!
kasabay nito ang mga katanungang umusbong.
"sino ba ang may kasalanan?"

isang tanong na naghahanap ng kasagutan! pero walang isa man sa lahat ng tao ang kayang makasagot.

para sakin, isang kahibangan kung hahanapin at iimbistigahan pa ng lahat kung sino ang may kasalanan! dahil napaka linaw, lahat ng nandoon ay merong kanya-kanyang kontribusyon sa trahedyang naganap!

kagabi, nanu2od ako ng saksi at ung sa channel 2! mag kasabay.

parang tanga ang 7, pilit nilang pinapakita sa mga balita nila na kasalanan ng abs-cbn ang nangyari. negligence daw! kasalanan ba ng abs-cbn na dumami ng ganun ang tao? kasalanan ba nilang umakyat sa bubong ang iba? at kasalanan ba nilang hindi nila nakontrol ang mga taong gamahan sa pera, dahil sa kahirapan ng bansa, na tumakbo papasok sa ultra para sa chansang guminhawa ang buhay?

HINDI!! hindi nila kasalanan! malinaw na sinasabi ng mga nasaktan!

"wala kaming nakitang mga pulis"
walang man lang pulis? sige, sabihin na nating abs-cbn ang may hawak ng mass-control sa labas ng ultra. pero anak ng tupa nmn! anung pakinabang nung mga pulis?! hindi ba sila pwedeng tumulong ng kusang loob?!
at sumamang magbantay sa labas ng ultra! nak ng pating oh!

sana nmn tigilan na ung pagsisisihan ng bawat isa! lahat ng nandun at may kaugnayan sa nangyari, lahat sila may sala. pero hindi na mahalaga un!

kasi nangyari na ang nangyari. hindi na mababgo un! ang tanging magagawa na lang nila! ay tulungan ang mga nasawi at nasaktan! hindi na mahalaga kung sino ang may kasalanan, sigurado nmng walang aamin jan eh.

the damage is done. edi magrepair para maaus!!

hindi na kelangan ang magsiraan pa ng magkabilang istasyon!!


SHET!!! hindi ito ang inaasahan kong blog ko! kagabi ang gaganda ng mga pumasok sa isip ko, midterms kasi kaya siguro nakalimutan ko! sayang nmn! eedit ko nlng toh nxt tym!

Sunday, February 05, 2006

PISS of mind!

bakit ba kasi may mga taong nandyan lang kapag may kelangang favor sayo?
at bakit ba kasi may mga taong alam ng ginaganun na nga sila eh hindi parin marunong mag-isip?

hindi ko alam ang sagot jan! pero meron akong reaction jan!

mga lintik na taong nanjan lang pag may kailangan! naiinis ako sa kanila, alam nyu ba kung bakit?
-naiinis ako sa kanila dahil isa ako sa mga tangang nabibiktima nila!
-naiinis ako sa kanila dahil ang kapal ng muka nila at talagang nakakainis na sila!

hindi ko alam kung bakit may mga ganung uri na tao. na hindi man lang naiisip na lumalapit lang sila sakin o sayo kapag:

advanteger: johnray, pwede ganto? pwede ganyan? blah blah blah.
tanga: ok,(w/smile)
advantager:thank you! wag kang aalis ha!

nak ng puts!! eh kung umalis kaya ako! araw2 ganan! parang ako ung locker nya ah! pakshet! eh kung sau ko kaya gawin un!

ang tanga ko kasi eh. uu, ayos lang sakin humingi ka ng favor sakin, pero sana nmn wag sosobra! kasi nakakaawa nmn ung kabaitan ng isang tao kapag inabuso! nakaka-inis! nakaka-panghinayang!

kung naiinis man ako sa kanila, alam kong mas naiinis ako sa sarili ko.
dahil hindi ako marunong tumanggi, kahit alam ko ng ayaw ko! at hindi na pwede!
ok padin ako, sige padin ang sagot!
kung bakit ako ganito, ay hindi ko alam! pero isa lang ang alam ko! dapat kong baguhin ang mahina kong ugali! para nadin sa ika-uunlad ng bansa! haha!

hindi ko alam kung bakit nanggugulo pa toh sa isipan ko! kelangan ko ng peace of mind! hindi piss in mind!


napakababaw na topic nga siguro nito, pero nakakasawa na kasi ang araw-araw na ganan eh. kaka-usapin lang pag may kelangan. nanjan lang pag may favor. nabubuhay lang ung boses sa tenga mo pag may ipapaki-usap. ok lang sana kung.....
1. nanjan ka kahit wala kang kailangan!
2. nanjan ka kahit ako wala kang favor na kailangan.
3. buhay ang boses mo kahit ako ang makiki-usap.
4. at kung ikaw padin ung dating babaeng kasama ko lagi sa kulitan at kwentuhan!

baka ako pa ang manghingi ng favor mu!
pero! hindi na!! mas pinili mo ang bisyo at kalalakihan!! kaya ako naiinis!!


bukas iba na! kelangan baguhin!